Wednesday, April 22, 2015

Philippine Red Cross, hinihikayat ang mga taga-Boracay na mag-donate ng dugo

Posted April 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for blood donationMuli na namang magsasagawa ngayong araw ng Blood Donation ang Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa PRC Office sa Ambulong Station 3.

Ito’y upang lalo pang matulungan ang mga mamamayang nangangailangan ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng dugo.

Dahil dito muli ring hinikayat ng PRC ang mga residente at manggagawa sa Boracay na mag-donate ng kanilang dugo.

Ayon kay Malay-Boracay Red Cross Administrator Marlo Schoenenberger, layunin umano ng blood donation activity na ito ay para makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo sa oras ng sakuna sa kanilang buhay kung saan sa bawat isa umanong donor ay maaari itong makaligtas ng tatlong buhay.

Samantala, mahigpit ang paalala ng Red Cross na hindi pwedi mag donate ng dugo ang mga nakainom ng alak, kulang sa tulog, may maintenance na gamot at may regla.

No comments:

Post a Comment