Monday, April 20, 2015

Sektor ng agrikultura, pinaghahanda sa epekto ng tag-init

Posted April 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aminado ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na inatasan sila ng Malacañang na maghanda para labanan ang magiging epekto ng tag-init.

Ayon kay DA Aklan Head William Castillo, partikular umanong pinapabantayan sa kanila ang mga agricultural products sa Pilipinas.

Anya, sa ngayon ay nagsisimula nang magbigay ng tulong sa mga magsasaka na apektado ng tag-init ang pamahalaan para hindi maging matindi ang epektong idudulot nito.

Samantala, masaya naman nitong ibinalita na sa kasalukuyan ay walang masyadong naaapektuhang agrikultura sa probinsya ng Aklan.

Dagdag pa ni Castillo, nakikipag-ugnayan na rin ang DA at National Irrigation Administration (NIA) upang tutukan ang epekto ng tag-init sa bansa.

No comments:

Post a Comment