Posted May 2,
2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala umanong sino man ang puweding makiaalam sa paggamit
ng Voting Counting Machine (VCM) maliban sa Board of Election Inspectors (BEI) Officer.
Ito ang pagtiyak ng Commission on Election Provincial
Office sa Aklan.
Ayon sa Comelec, layun umano nito na ma-protektahan ang
integridad ng VCMs at ng mga election paraphernalia.
Maging ang mga Security personnel umano ay hindi
pinahihintulutang humawak nito kung saan tanging mga BEI lamang sa mga presento
ang magbubukas ng nasabing box.
Nabatid na sa darating na Mayo 6 naman ang nakatakda ang
pag-testing nito tatlong araw bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.
Samantala, kasado na rin ang mga pulis para sa seguridad
ng nasabing VCM sa sandaling dumating na ito sa probinsya katuwang ng BEI.
No comments:
Post a Comment