Wednesday, May 04, 2016

Isa pang lalaking nagbibinta ng illegal na droga sa Boracay, huli sa buy-bust operation

Posted May 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drugsHuli rin sa pagbibinta ang isa pa umanong kasamahan ng dalawang lalaking nahuli kahapon sa pagbibinta ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan sa Boracay.

Sa blotter report ng Boracay PNP, ang suspek ay kinilalang si Wilson Garbino Jr. 36-anyos ng Iloilo City at nakatira sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay.

Nahuli ang suspek sa pinag-samang pwersa ng Provincial Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group o (PAIDSOTG/PSOG) Boracay PNP at Maritime pulis kung saan nakuha sa posisyon nito ang isang suspected shabu na may buy-bust money na P2,000 at isa pang suspected shabu, cellphone na naglalaman ng illegal transaction at kutsilyo na may habang 12 inches.

Sa ngayon ang suspek ay naka-kulong rin sa lock-up-cell ng Boracay PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

No comments:

Post a Comment