Thursday, May 05, 2016

Hotel sa Boracay, nakatanggap ng pagbabanta mula sa nagpakilalang NPA

Posted May 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for threateningNabalot ng takot ang mga staff ng isang hotel sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay matapos silang makatanggap ng pagbabanta mula sa nagpakilalang NPA.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakatanggap umano ng tawag ang Front Office Supervisor ng hotel sa nagpakilalang NPA kung saan humuhingi ito ng dalawang sako ng bigas at pera na P5, 000.

Maliban dito sinabihan pa umano ng nagpakilalang NPA ang Supervisor na may mangyayaring masama sa kanilang hotel at sa mga staff lalo na buhay nito kung hindi nila maibibigay ang kanyang hinihingi.

Dahil dito, agad naman silang humingi ng tulong sa mga kapulisan para idulog ang nasabing insidente at para na rin sa kanilang kaligtasan.

No comments:

Post a Comment