Tuesday, May 03, 2016

Pagtatapos ng LaBoracay, naging maayos—BTAC

Posted May 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for la boracay“Walang major Incident”

Ito ang sinabi ni Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP sa himpilang ito sa kakatapos lang na LaBoracay na nag-umpisa noong Abril 26 hanggang May 1, 2016.

Ayon kay Gesulga, wala namang  naitalang major incident ang kanilang istasyon kung saan normal lamang umano ang kaganapan na physical injury at theft incident.

Idinagdag pa ni Gesulga na peaceful ang naturang event sa kabila ng pagtaas ng record na naitala ng Department of Tourism (DOT) sa tourist arrival sa isla ng Boracay kung saan tumaas ito ng limang libo kumpara noong nakaraang taon sa ginanap ring laBoarcay na umabot lamang sa  40, 051.

Nabatid na dahil umano sa full-force na pa-kikipagtulungan ng mga force multipliers sa Boracay PNP ay naging maayos ang kanilang pagbabantay kung saan hindi naman sila nahirapan sa pag-deploy ng mga pulis personnel sa mga lugar kung saan ang mga event.

Samantala, nagpapasalamat naman ang Boracay PNP sa hindi nawawalang commitment ng mga event organizer sa kabila ng pagpapatawag ng meeting sa kanila sa pagbibigay ng mga guidelines, rules and regulation sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin bago paman mag-umpisa ang event.

No comments:

Post a Comment