Monday, May 02, 2016

Budget para sa dalawang ospital sa Probinsya ng Aklan, aprobado na

Posted May 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budgetAprobado na ang budget para sa dalawang ospital sa Probinsya ng Aklan.

Itoy makaraang magkaroon ng Memorandum of Agreement o (MOA) si Governor Joeben Miraflores at ang Department of Health Regional Office (DOH) Iloilo, City.

Sa ginanap na 14 th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan Aklan, na-aprobahan ang MOA para sa budget ng dalawang bayan sa probinsya ng Aklan.

Nabatid na ang Dr. Rafael S. Tumbokun Memorial Hospital (DRSTMH) ay makakatanggap umano ng P1, 950, 000 habang ang Ibajay ospital naman ay P495,000 kung saan ang total ng lahat ng nasabing budget ay P2,475,000. 
 
Samantala, ang nakalaang pondo na ibinigay ng Department of Health (DOH) ay para sa pag-implementa ng Medical Assistance Fund Program ng mg nasabing pagamutan.

No comments:

Post a Comment