Monday, May 02, 2016

BEI sa Malay sumailalim sa briefing ng Comelec

Posted May 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sumailalim sa briefing ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Board of Election Inspectors (BEI) sa Boracay para sa nalalapit na halalan.

Ito ay pinangunahan ni Comelec Aklan Public Information Officer (PIO) at Malay COMELEC Election Officer Crispin Raymund Gerardo kasama si Jessie Flores, District School Supervisor ng Malay.

Ayon kay Gerardo, inisa-isa nila ang bawat presento sa Malay kung saan gaganapin ang halalan para e-briefing ang mga BEI na kinabibilangan ng mga guro at iba pang indibidwal.

Kasama din umano sa pinag-usapan dito ang tungkol sa no selfie o pagkuha ng larawan sa loob ng presento lalo na sa mga balota.

Samantala, kasama naman sa nasabing briefing ang Boracay PNP na pinangunahan naman ni PINSP Jose Mark Anthony Gesulga Deputy Chief of Police kung saan tinalakay naman nila rito ang tungkol sa ipapatupad na seguridad at liquor ban sa besperas ng halalan.

No comments:

Post a Comment