Tuesday, May 03, 2016

7 business establishments sa Aklan kinilala ng PSA

Posted May 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for philippine statistic authority logo
Pitong business establishments sa Aklan ang kinilala kamakailan ng Philippine Statistics Authority-Aklan para sa aktibong pagsuporta sa business at tourism survey na ginawa noong nakaraang taon.

Base sa ipinadalang kalatas ng PSA ito ay kinabibilangan ng Boracay Tropics, Mandala Spa Resort and Villas, Boracay Land Transport MPC, Discovery Shores, Southwest Tours Boracay, Tirta Spa at Akelco.

Ginanap ang awarding kasabay ng Respondent’s Forum noong Abril 28, 2016 sa Royal Suites Condotel, Kalibo kung saan nakatanggap ang mga ito ng certificate of appreciation mula kay OIC Antonet Catubuan.

Ayon naman kay Catubuan karapat-dapat umanong kilalanin ang mga ito dahil sa tamang oras na pag-sumite ng submission ng survey questionnaires at pagbibigay ng tamang impormasyon noong 2014 Annual Survey ng Philippine Business and Industry at Survey of Tourism Establishments sa Pilipinas.

Sinabi pa nito na ang datos mula sa ASPBI ay ginamit para sa pag-pormula ng polisiya at economic development plans, habang ang information mula tourism survey ay magsisilbi bilang epektibo at efficient programs at policy sa tourism industry.

Samantala umaasa umano ang PSA sa kanilang ginawang pagkilala na mabigyan ng inspirasyon  at mahikayat ang ibang halimbawang establisyemento na gawin din ang survey form ng maagap at tama.

No comments:

Post a Comment