Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Malaki ang
pang-hihinayang ng isang ginang matapos umano siyang pagnakawan sa kanyang
tindahan sa Sitio Angol Brgy. Manoc-manoc, Boracay.
Sumbong ng
biktima na si Catalina Gazzinggan 47-anyos sa mga pulis, iniwan niya umano ang
kanyang bag sa ibabaw ng lamesa ng kanyang tindahan kung saan makalipas ng
isang minuto ay may bumili umano ng beer sa kanya na hindi nakilalang lalaki at
sinabihan siyang babalik muli.
Ngunit ng
maka-alis na umano ang lalaki ay agad nitong napansin na nawawala na ang
kanyang bag na naglalaman ng mga importanteng I.D, cellphone at cash na
nagkakahalaga ng P6,000.
Dahil dito, agad
na idinulog ng biktima sa Boracay PNP ang insidente, na ngayon ay
ini-imbestigahan na rin ng mga pulis ang nangyaring nakawan kung saan bigo rin
nitong makilala ang sinasabing suspek.
No comments:
Post a Comment