Monday, May 02, 2016

Pili Aklan Political Forum, naging matagumpay sa kabila ng mga pasaring ng bawat magkatunggali

Posted May 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang ginanap na Pili Aklan Political Forum ng Kapisan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para sa mga kandidato sa probinsya.

Ito’y sa kabila ng mga pasaring ng bawat magkatunggali sa pagka-Congressman, Governador at Vice Governor sa kanilang one on one debate nitong Sabado.

Dito nagharap ang Liberal Party na pinamumunuan ni Congressman Teodorico Haresco kasama ang kapartido nito na si Governor Joeben Miraflores at ang bagong tatakbong Vice-Gobernador na si Atty. Boy Quimpo, habang pinangunahan naman ni dating Gobernador Carlito Marquez ang United National Alliance (UNA) kasama si Antonio Maming na tatakbong Governador at si Atty. Lovell Mationg na tatakbo naman sa pagka-Bise Governador.

Sa pagharap ng mga ito ay ibat-ibang mga isyu ang ibinato bawat isa kung saan umabot din ang mga ito sa personalan ngunit nananatili namang kalmado ang mga ito sa huli.

Samantala, todo suporta naman ang supporters ng bawat grupo hanggang sa matapos ang debate na umabot ng halos limang oras.

Ang Political Forum ay inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)-Aklan Chapter katuwang ang Comelec, PPCRV at ibat-ibang organisasyon sa probinsya.

No comments:

Post a Comment