Posted May 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Karamihan sa mga botante ngayong eleksyon ay nalilito
parin sa proseso ng pagboto dahil sa teknolohiyang gagamitin na Vote Counting
Machine (VCM).
Dahil dito, ipinaliwanag ni Comelec Aklan Public
Information Officer at Comelec Malay Officer II Chrispin Raymund Gerado ang
tamang pagboto o sa pamamagitan ng VCM.
Ayon dito, bilugan umano ng tama ang bilog ng napupusuang
kandidato sa mga balota, bawal din umano ang over vote o dumihan ang mga balota
dahil sa hindi ito tatanggapin ng machine.
Sinabi nito na kung matapos na ang pag-boto ay ilalagay
ito sa VCM kung saan dito babasahin ng makina ang iyong balota kung ito ay tama
at dito na umano lalabas ang resibo kung saan nakalagay ang iyong mga ibinotong
kandidato.
Maliban dito sakaling magkaroon umano ng problema sa
pagboto ay lumapit lamang sa mga taga Board of Election Inspectors (BEI).
Samantala, mahigpit din nitong ipinaalala na kulayan ang
bilog ng maayos at huwag lukutin para hindi magkaroon ng problema sa VCM.
No comments:
Post a Comment