Tuesday, May 03, 2016

Tourist arrival sa kasagsagan ng LaBoracay 2016 tumaas kumpara noong 2015

Posted May 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by LaBoracay 2016 page
Tumaas ng halos limang libo ang naitalang tourist arrival sa ginanap na LaBoracay event ngayong 2016 kumpara noong nakaraang taong 2015 sa Boracay.

Ito ay base sa ipinadalang datos ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay kung saan umabot sa 45, 126 ang naitalang tourist arrival sa loob ng limang araw sa kasagsagan ng nasabing event simula noong Abril 27 hanggang nitong Mayo 1, 2016 kumpara noong 2015 sa kaparehong period na umabot lamang sa 40, 051.

Dito nagpapakita na karamihan sa mga dumalo sa napakaling event ay mga Local tourist na umabot sa 32, 375, pumapangalawa rito ang Foreign tourist na may bilang na 11, 991 habang ang OFW ay umabot naman sa 760.

Nabatid na dumagsa ang napakaraming turista sa Boracay noong Abril 29 at Abril 30 para humabol sa highlight ng event nitong Mayo 1 kung saan karamihan sa mga ito ay mga magbabarkada.

Ang LaBoracay ang nasa ikatlong taon ng ginagawa sa isla kung saan limang araw na nagkakaroon ng malalaking party event sa beach front na inoorganisa ng malalaking kumpanya sa bansa katulad ng telecommunication company o mga kumpanya ng mga inumin.

No comments:

Post a Comment