Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa report ng
Boracay PNP, papunta umano ang lalaki sa loob ng banyo ng makita niya ang suspek
na si Julius Cawaling 32-anyos ng Cabatanga, Makato, Aklan at nakatira sa Sitio
Lugutan, Manoc-manoc, Boracay na bumunot ng baril at pinaputok ito ng isang
beses sa lupa.
Dahil dito, ay
kinumpronta ng lalaki ang suspek tungkol sa nangyaring insidente ngunit
itinanggi naman ito ng suspek kung saan agad namang humingi ng tulong ang
lalaki sa security guard ng bar.
Nakuha sa suspek
ang isang magnum caliber 22 firearm, tatlong live cartridges at isang fired
cartridge case.
Sa ngayon ang
suspek ay pansamantalang ikinustoduya sa Boracay PNP para sa karampatang
disposisyon.
No comments:
Post a Comment