Tuesday, May 03, 2016

28-anyos na lalaki, huli sa buy-bust operation sa Boracay

Posted May 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Arestado ang 28-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay kaninang 3:30 ng madaling araw.

Sa pangunguna ng Malay PNP, Boracay PNP at Maritime pulis, nahuli ang suspek na si Jomar Hardin y Bandiola walang trabaho at residente ng Bacolod City habang temporyong nakatira sa Sitio. Tambisaan ng nasabing brgy.

Nabatid na nakuha sa suspek ang limang suspected shabu, buybust money na nagkakahalaga ng P1,000 at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Samantala, ang suspek ay pansamatalang ikinustudiya sa Malay PNP kung saan nakatakda naman itong sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment