Tuesday, May 03, 2016

Medical Equipment para sa DRSTMH, aprobado na ang budget

Posted May 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for medical equipmentAprobado na ang budget para sa pagbili ng Medical Equipment na gagamitin ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital o (DRSTMH).

Sa ginanap na SP session ng Aklan, nilagdaan ng Department of Health Regional Office, Iloilo City ang hiling ng Gobernador na si Florencio Miraflores para sa Memorandum of Agreement sa nasabing budget.

Nabatid na ang nakalaang pundo para rito ay upang makabili ng mga Medical Equipment ng ospital.

Samantala, ang naturang budget na nasa ilalim ng Department of Health (DOH) Facilities EnhancementProgram (HFEP) ay nagkakahalaga ng mahigit P6, 000,000.00.

No comments:

Post a Comment