Posted May 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ito’y makaraang
pinatutsadahan niya ang dating kasamahan na si Sangguniang Panlalawigan Rodson
Mayor na ngayon ay nasa kampo na ng kanyang katunggali na si Congressman Ted
Haresco.
Nabatid na may
limang panel mula sa iba’t-ibang sektor ang nasabing debate na may “Pabor o
hindi Pabor” at “Tanong ng Bayan segment para sa mga katanungan na sasagutin ng
mga kandidato.
Subalit, sa
closing statement ay dito na hindi napigilan ni Marquez na maglabas ng sama
loob at paringgan ang mga dating kakampi.
Dito ay sinabi ni
Marquez na hindi niya makakalimutan ang ginawa sa kanya ng ito ay nilaglag at
binigyan umano ng pekeng endorsement ng noo’y Kasangga Partylist Representative
Ted Haresco at mga kaalyado sa pulitika.
Pero, sa kabila
nito ay nagtapos naman ang naturang Political Furom ng maayos at may malawak na
pagka-kaintindihan sa kabila ng samut-saring pasaring ng dalawang grupo.
No comments:
Post a Comment