Wednesday, May 04, 2016

Boracay PNP naka-pokus na ngayon para sa preparasyon sa May 9 election

Posted May 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay pnp for electionPrayoridad na umano ngayon ng Boracay PNP na mabigyan ng pansin ang preparasyon para sa nalalapit na national and local election sa Mayo 9, 2016.

Ito ang sinabi ni Senior Inspector Nilo Morallos ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos ang kanilang matinding ginawang seguridad noong kasagsagan ng LaBoracay event.

Sinabi nito na kahit tatlong baranggay lamang ang mayroon ang Boracay ay pananatilihin umano nilang maayos at patas ang seguridad sa halalan lalo na at sa Boracay ang may pinakamataas na bilang ng mga botante sa buong Malay.

Maliban dito nagkaroon na rin umano ang mga kapulisan ng ibat-ibang klaseng pagsasanay para sa posibleng mangyari sa halalan kagaya ng bomb scare.

Samantala, nakatakda rin umanong inspeksyonin ni Morallos ang mga presento sa isla kung saan gaganapin ang halalan kagaya ng pag-monitor sa Voting Counting Machine (VCM).

No comments:

Post a Comment