YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 04, 2016

Lalaki sa Boracay, arestado sa pagbibinta ng illegal na droga

Posted May 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for illegal na droga
Isa na naman ngayong lalaki ang kulong sa pagbibinta ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Boracay PNP sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Sa pagtutulungan ng Provincial Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group o (PAIDSOTG/PSOG) Boracay PNP at Maritime pulis, nahuli ang suspek na si Carlo Glenn Hortinela 24-anyos residente ng Banago, Bacolod City at nakatira sa nasabing Brgy. 

Sa pamamagitan ng isang poseur buyer ay nakuha sa posisyon ng suspek ang isang sachet ng suspected shabu at buy-bust money na nag-kakahalaga ng P500 kasama ang labing apat na suspected shabu at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang naka-kulong sa Boracay PNP kung saan nakatakda naman itong sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, napag-alaman na kasamahan din ng suspek ang nahuli sa kaparehong kaso kahapon dahil sa pagbibinta ng illegal na droga.

No comments:

Post a Comment