Saturday, September 05, 2015

Caticlan Airport nabulabog dahil sa nakitang pekeng granada malapit sa lugar

Posted September 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for fake bombNabulabog kaninang alas-9 ng umaga ang Caticlan Airport sa bayan ng Malay matapos ang nakitang pekeng granada malapit sa nasabing paliparan.

Ayon kay PO2 Denver Pagayon ng Malay PNP Station isa lamang umanong replica o pekeng granada ang nakita sa gate ng Ecedele Hotel na halos 50 metro ang distansya sa airport terminal building.

Dahil dito mabilis naman umanong rumisponde ang Bomb Disposal Team kung saan nagpadala rin ang grupo ng K9 Dog para masiguro ang seguridad sa lugar.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente kung saan lumikha ito ng pag-panik sa mga turista at residente sa lugar.

No comments:

Post a Comment