Posted September 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinaalarma ngayon ni Mayor John Yap ang patuloy na
pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bayan ng Malay partikular sa isla ng
Boracay.
Dahil dito nagbigay siya ng mensahe o lecture sa mga
kabataan kasabay ng ginanap na tree planting activity nitong araw ng Sabado sa
Cubay Sur at Nabaoy.
Paalala ni Yap sa mga kabataan na huwag munang manganak
ng maaga at e-enjoy muna nila ang pagiging teenager.
Nabatid na isinasama sa tree planting activity ng LGU
Malay ang mga kabataan para mailihis sila sa nasabing problema at para
ma-involved sila sa sports at environmental program.
Samantala, napag-alaman na ang bayan ng Malay ang
nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy sa probinsya ng
Aklan simula nitong nakaraang taon kung saan umaabot na ito ngayon sa mahigit
dalawang daan.
No comments:
Post a Comment