Saturday, September 05, 2015

100% attendance ng lahat ng municipal police station sa Aklan hinangaan ng NPC 6

Posted September 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hinangaan at binati ng National Police Commission 6 ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa pangunguna ni Provincial Officer ng Aklan na si Inspector 4 Napoleon Arostique Jr.

Ito’y matapos makakuha ang lahat ng municipal police station sa Aklan at sa buong region 6 ng 100% attendance sa ginanap na surprise annual inspection, monitoring at audit na sinimulan noong Agosto 4 na isinagawa ng NAPOLCOM.

Maliban dito binati naman ni Arostique ang tatlong municipal police station sa lalawigan dahil sa pagiging best municipal police station para sa CY 2015 kung saan ang Nabas Municipal police station ay tinanghal na first place sumunod ang Malinao at Banga municipal station.

Samantala, ipinunto naman ni Arostique na ang mga policemen umano ay hindi lamang mga law enforcers kundi sila rin umano ay mga community leaders.

No comments:

Post a Comment