Friday, September 04, 2015

Kwarto ng isang hotel sa Boracay nilooban, mga mamahalang gamit tinangay

Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ninakawan ang kwartoHindi na ngayon mahagilap ng dalawang Deutsch national na babae ang kanilang mamahaling gamit matapos na nilooban ang kanilang inuupahang kwarto sa isang hotel sa station 3 Boracay.

Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang mga biktimang sina Nina Hilde Gassauer 29-anyos at Anna Viktoria Wagner 19-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis nadatnan nalang umano ng mga biktima na wala na ang kanilang mga gadget na dalawang Macbook, iphone 6 at 5 at isang sunglasses.

Ayon kay Gassauer iniwan umano nila ang kanilang kwarto alas-6: 30 ng gabi kahapon at ang lahat ng naturang mga gamit ay naiwan doon sa loob ng kwarto bago sila umalis.

Samantala, sa ginawang follow-up investigation ng mga pulis sa lugar ng insidente pinilit umanong sirain ng mga magnanakaw ang pinto ng nasabing kwarto.

Napag-alaman din na walang naka-duty na security guard at front desk sa nasabing hotel ngunit mayroon naman umanong naka-install na CCTV sa building bagamat hindi naman ito gumagana.

No comments:

Post a Comment