Tuesday, September 01, 2015

Red Cross, nakatanggap ng lifeguard high-chair mula sa isang stakeholders sa Boracay

Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Credit to Mar Schoenenberger 
Tatlong bagong lifeguard high-chair mula sa isang stakeholders sa Boracay ang natanggap ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter nitong araw ng Sabado.

Ito ay malugod na tinanggap ng isa sa mga Board of director ng Red Cross na si Delnora Nano at ni Malay Mayor John Yap kasama ang Red-Cross staff, lifeguard at KABALIKAT CIVICOM.

Ayon kay PRC Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo Schoenenberger, masaya sila sa natanggap na high chair dahil lalo pa umano itong makakatulong sa pagsagip ng buhay sa mga insidente ng pagkalunod sa Boracay.

Nabatid na ang ibinigay na lifeguard high chair ay may kalaparan at mayroong bubong na kung saan ay protektado nito ang mga naka-duty na lifeguard umulan man o umaraw.

Samantala, hinikayat pa ni Schoenenberger ang ibang mga stakeholders sa Boracay na gustong ring tumulong sa kanila, para lalo pang mapabuti ang kanilang serbisyo gayon din sa pagbibigay ng information and dissemination sa mga turista sa isla.

Ang Red-Cross Boracay-Malay Chapter lifeguard ay hinangaan sa mabilis na pag-respondi sa mahigit 30 near drowning incident sa Boracay nito lamang buwan ng Agosto.

No comments:

Post a Comment