Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinaalarma ng Fisheries and Aquatic Resources Aklan ang
napabalitang pagpositibo sa Red Tide Toxic ng mga shell na galing sa kalapit na
probinsya na Roxas Capiz.
Dahil dito mahigpit na ipinagbabawal ng nasabing ahensya
ang pagpasok ng tinatawag na Shell Fish na napag-alamang mula sa Sapian Bay,
Capiz.
Ayon kay BFAR Aklan Chief May Guanco, binalaan na nila
ang mga bayan sa probinsya ng Aklan na huwag tanggapin ang nasabing mga shell
partikular ang galing sa bayan ng Sapian bay.
Nabatid na kilala ang Roxas City bilang sea foods capital
of the Philippines kung saan napag-alaman na karamihan din sa mga paluto
restaurant sa isla ng Boracay ay sa nasabing siyudad kumukuha ng mga sea foods.
No comments:
Post a Comment