Tuesday, September 01, 2015

Red Cross, balak dagdagan ang mga lifeguard sa Boracay

Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Target ngayon ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter na madagdagan ang kanilang dalawamput dalawang lifeguard sa Boracay.

Ayon kay PRC Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo Schoenenberger,  ito ay para ma-cover pa ang ibang area sa Boracay kung saan madami ang naliligo katulad ng Puka Beach.

Sa ngayon umano ay salit-salitan ang dalawamput dalawang lifeguard na naka-duty sa station 1 hanggang station 3.

Dahil dito sinabi ni Schoenenberger na nais nilang magkaroon ng 36 na lifeguard sa Boracay para matutukan ang mga naliligo sa dagat.

Samantala, maliban sa pagsagip ng buhay ng mga nalulunod sa Boracay nagsasagawa rin ang lifeguard ng tuloy-tuloy na training sa beach area kabilang na ang pamumulot ng mga bubog sa sa dalampasigan habang nagbabantay sa mga turistang naliligo sa dagat.

No comments:

Post a Comment