Wednesday, September 02, 2015

E-Trike ng BMAC aprobado sa Sangguniang Bayan ng Malay

Posted September 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BEMAC E-trike\Isa na namang bagong supplier ng E-trike ang inaasahang papasok sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na aprobahan sa second at final reading ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon na nag-aaproba sa application para sa accreditation bilang E-trike supplier sa Boracay ng B-MAC Electric Transportation Philippine Inc.

Nabatid na sumailalim pa ito sa committee hearing at ilang deliberasyon sa pangunguna ni SB member at Chairman ng Committee on Transportation Leal Gelito bago ang nasabing disisyon.

Napag-alaman na ang 68VM Electric vehicle ay sumailalim na sa maraming beses na testing para masiguro ang tinatawag na high reliability kung saan nakumpleto rin nito ang mga local requirements at ang nasabing unit ay LTO-compliant na kinilala rin financing institution bilang kwalipikado for lien.

Samantala, ang BMAC ang siyang magiging ikatlong supplier ng e-trike sa Boracay kabilang ang Tojo at Gerwise motors na nauna ng nag-operate sa isla na siyang magiging kapalit ng mga tricycle unit na bumibiyahe ngayon sa isla.

No comments:

Post a Comment