Posted September 3, 2015
Ni Dinnes Young, YES FM Boracay
Tinatayang aabot sa P3.5 milyon ang halaga ng nasunog na
bahay at mga produkto sa naganap na sunog dakong alas otso y media, sa
brgy.manoc-manoc Boracay kagabi.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay fire protection
unit sa pamumuno ni Chief Inspector Stephen Jardeleza, electrical overload sa
second floor ng establisyemento ang pinagmulan ng sunog.
Ang bahay ay pag mamay-ari ni Corsino Pelayo na inuupahan
naman ng negosyanteng si Leo Rufino.
Paglalarawan pa ni Jardeleza, agad silang rumesponde
ngunit nang abutan nila ang bahay ay pabagsak
na ang pangalawang palapag dulot
ng lumalagablab na apoy.
Naubos din ang lahat ng produktong gulay, canned goods at
iba pang groceries sa stock room ng chee lee store sa ground floor ng gusali.
Katuwang naman ng Boracay special fire protection unit
ang tatlong tanker ang BIWC, Philippine Red Cross, at kabalikat Civicom upang
agad na maapula ang apoy.
Dineklarang fire under control and sunog dakong 8:44 at
nadeklara itong fire out bandang alas-10 na ng gabi.
No comments:
Post a Comment