Thursday, September 03, 2015

Boracay community may-petisyon laban “Helicopter Tours sa Boracay”

Posted September 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for helicopter clipartNatanggap na ng Office of the Mayor ng Malay ang Petition letter ng Boracay community, mga resort at ibang business establishment sa isla laban sa “Helicopter Tours sa Boracay”.

Ito ay naglalaman ng reklamo sa nasabing private helipad kung saan lumilipad din umano ito ng mababa sa loob mismo ng isla at naglilikha ng matinding ingay.

Sa nakaraang SB Session ng Malay pinag-usapan naman ito ng konseho kung saan sa napag-alaman na bago magsimula ang operasyon ng helipad sa Boracay ay nagsagawa muna ito ng presentasyon sa nasabing session na nagsasabi na sila ay mag-ooperate lamang bilang isang air ambulance.

Ayon naman kay SB Member Rowen Aguirre iba ito kumpara sa iprinisinta nila sa SB at dapat din aniyang sa labas sila ng isla mag-operate o kaya ay lumipat nalang umano sila sa airport kung nag-ooperate sila bilang isang commercial.

Samantala, karamihan sa reklamo ng mga residente at resort sa Boracay sa Helicopter Tours ay dahil sa nililikha nitong ingay araw-araw lalo na tuwing umaga.

No comments:

Post a Comment