Tuesday, September 01, 2015

DepEd Aklan, nagsagawa ng 7th Radio at TV News casting Training Contest

Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsagawa ang Department of Education (DepEd) Aklan ng 7th Radio at TV News casting Training Contest sa bayan ng Kalibo nitong Sabado at Linggo.

Ito ay ang pagsunod sa Section 1 Rule 2 ng Republic Act 7079 o mas kilala sa tawag na Campus Journalism Act of 1991 kung saan inaatasan ng DepEd na magsagawa ng taunang regional at national trainings at press conferences ang mga paaralan.

Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa pribado at pambublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa probinsya ng Aklan.

Ilan sa mga naging hurado rito ay mga media personnel mula sa print, radio at tv sa nasabing lalawigan at siyudad ng Iloilo.

Nabatid na ang mananalo sa nasabing contest ay ilalaban sa Regional School Press Conference kung saan makakalaban nito ang probinsya ng Iloilo, Roxas, Negros, Antique at Guimaras.

No comments:

Post a Comment