Friday, September 04, 2015

PSInsp. Gentallan itinalaga bilang bagong OIC Chief of Police ng Boracay PNP

Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling itinalaga ngayon bilang bagong Officer In Charge ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) si PSInsp. Fidel Gentallan.

Si Gentallan ang pumalit sa isang buwan pa lamang na umupo bilang hepe ng Boracay PNP na si PSUPT Danilo Delos Santos na ngayon ay nasa Tourist Police Unit na kung saan under ang BTAC.

Nabatid na ang kakaalis na si Delos Santos ang siyang pumalit sa anim na buwang OIC ng BTAC na si PInsp. Frensy Andrade noong nakaraang buwan at ngayon ay ay-assign na rin sa Malay PNP bilang deputy ni Chief of Police PSInsp. Renante Jomocan.

Samantala, si Gentallan ay dati na ring na assign bilang OIC ng BTAC matapos masibak sa puwesto ang dating hepe na si PSInspector Mark Evan Salvo noong nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment