Saturday, September 05, 2015

Danyos sa nangyaring sunog sa Boracay kagabi tinatayang umabot sa P800 libo


Posted September 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

(UPDATE) Tinatayang umabot sa walong daang libong peso ang pinsala sa nangyaring sunog sa Boracay kagabi na umabo sa isang bahay.


Ito ay base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Boracay sa pangunguna ni FO3 Cerielo Ciroche.

Sa ngayon umano ay hindi pa nila matukoy kung saan nagmula ang naturang sunog ngunit isa sa kanilang sinusundang lead ay ang wire sa loob mismo ng bahay.

Nabatid na ang bahay ay pagmamay-ari ni Leonida Gestiyega isang massage therapist kung saan wala ito sa kanyang bahay ng mangyari ang nasabing sunog.

Samantala, dakong alas-8 kagabi ng mangyari ang nasabing sunog kung saan idinilara naman itong fire out bandang alas-9: 12 kagabi.

No comments:

Post a Comment