Thursday, September 03, 2015

Helicopter Tours sa Boracay ipapatawag sa SB Session ng Malay

Posted September 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for helicopter clipartIpapatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Helicopter Tours sa Boracay para sa SB Session ngayong darating na Martes.

Ito ay matapos ang natanggap na reklamo ng LGU Malay mula sa ilang residente at business establishment sa Boracay dahil sa nililikhang ingay ng nasabing helicopter na halos araw-araw ang operasyon at mababa lang ang lipad sa loob mismo ng isla.

Nanguna naman sa pagpapatawag rito si SB Member Leal Gelito na siyang nagpaabot nag-privilege speech na sinang-ayunan din ng local body.

Nabatid na nais ng konseho na malaman kung bakit tuloy-tuloy ang operasyon ng nasabing private helipad kung saan base sa kanilang presentasyon sa SB Malay ay gagamitin lamang ito bilang isang air ambulance at hindi pang commercial.

Napag-alaman din na ilang business owner at Boracay community ang nagpadala ng petisyon letter sa office of the mayor na humihingi ng aksyon sa umanoy napaka-ingay na operasyon ng Helicopter Tours.

No comments:

Post a Comment