Posted September 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umapila ngayon si Albert Meñez Chairman ng Kalibo Sto.
Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi) na huwag gamitin ang nasabing
kapistahan para mangampanya sa May election.
Hiling ni Meñez sa mga kandito na huwag umanong
mangampanya sa kasagsagan ng kapistahan kung saan dagsa ang napakaraming
de-boto.
Maliban dito iniiwasan din umano nila ang ang mga
streamers at tarpaulins na may mga pangalan at larawan ng mga kandidato sa
festival site.
Nabatid na puspusan na ngayon ang panliligaw ng mga
tatakbong kandidato para sa halalan 2016 kahit sa Oktobre pa ang simula ng
filing ng COC.
Samantala, ang Ati-Atihan Festival, ay isang religious
event in honor kay Señor Santo Niño de Kalibo kung saan magsisimula ang
weeklong highlight mula Jan. 8 hanggang 17 sa Enero 2016.
No comments:
Post a Comment