Friday, September 04, 2015

Aklan Tourism week celebration 2015 kasado na ngayong Setyembre

Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang inaabangan Aklan Tourism week celebration2015 ngayong darating na Setyembre 14 hanggang 19.

Ito ay inorganisa ng Aklan Tourism Officers Association (AkTOA) at Aklan Provincial Tourism Office (APTO).

Kabilang sa mga inaabangan na aktibidad ay Tinda Turismo, Tourism Quiz Bee, Sabor Akean –Cooking Challenge, Tourism Awareness Seminar, Bisikleta Karera, CSR Activity at AkTOA Fellowship.

Ang nasabing mga aktibidad ay gaganapin naman sa Aklan Trade Hall sa bayan ng Kalibo, Training Center, at sa Malinao – Lezo – Numancia para naman sa Bisikleta Karera.

Nabatid na ito ay taunang ginagawa ng mga tourism officials sa probinsya para ipakita ang pagpapahalaga at pangangalaga sa turismo ng lalawigan ng Aklan.

No comments:

Post a Comment