Saturday, September 05, 2015

Bahay sa Manoc-manoc Boracay kagabi, naabo matapos masunog

Posted September 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sunogAbo na ng madatnan ng mag-ina ang kanilang bahay sa Sitio. Bung-aw Manoc-manoc Boracay matapos itong masunog kagabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Unit ng BFP Boracay alas-8:58 kagabi ng makatanggap sila ng tawag mula sa mga residente ng nasabing lugar na may isang bahay na nasusunog.

Sa imbestigasyon ng BFP ang bahay umano ay pagmamay-ari ni Leonida Gestiyaga isang massage therapist sa Boracay.

Napag-alaman na wala sa bahay ang mag-ina ng maganap ang nasabing sunog kung saan mabilis itong natupok ng apoy dahil sa yari lamang ito sa light materials.

Nabatid na dakong alas-9: 12 naman kagabi ng ideklarang fire out ng mga bombero ang naganap na sunog kung saan masuwerte naman at hindi nadamay ang mga katabi nitong bahay.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire kung ano ang sanhi ng nasabing sunog at kung magkanoo ang iniwan nitong danyos.

No comments:

Post a Comment