Friday, September 04, 2015

Illegal fish vendor sa Boracay, hindi na pinalagpas ni Island Administrator Sacapaño

Posted September 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi na pinalagpas ni Boracay Island Administrator Glen Sacapaño ang mga illegal fish vendor sa Boracay dahil sa paulit-ulit na pagsuway ng mga ito sa ordinansa ng LGU Malay.

Ayon kay Sacapaño pangit sa mata ng mga turista ang mga nakahilirang binibintang isda sa Bloomfield area kung saan wala umano itong mga permit at matapang pa kung sinusuway ng mga nanghuhuli.

Aniya, mabaho na umano ang nasabing lugar dahil doon lang din nila mismo itinatapon ang tubig na pinagbabaran ng isda maliban sa wala itong maayos na sanitasyon.

Sinabi pa nito na matagal na silang nagbibigay ng warning sa mga nagbibinta ng isda sa naturang lugar dahil meron naman umanong ispasyo kung saan silang puweding magbinta katulad ng Talipapa at ibang market sa isla.

Samantala, iginiit naman ni Sacapaño na hindi bawal ang pag-nenegosyo bastat nasa tama at sumusunod sila sa ordinansa ng LGU Malay dahil sa madami na umano ngayon ang kinakaharap na problema ng isla lalo na sa trapik kung saan nakikisabay pa umano ang mga ito.

Samantala, kahapon ay sinarado na ng Municipal Auxiliary Police (MAP) Boracay ang lugar kung saan nagbebenta ang mga nasabing negosyante.

No comments:

Post a Comment