Tuesday, June 09, 2015

Water treatment at pagpapatubig ng BIWC sa Manoc-Manoc inaasahang matatapos sa 2017

Posted June 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for biwc boracay
Maliban sa Bolabog, nagpatayo na rin ngayon ang Boracay Island Water Company (BIWC) ng water treatment plant at pagpapatubig sa brgy. Manoc-Manoc.

Ayon kay BIWC General Manager Mike Santos, sakaling matapos umano ito sa March 2017 ay makakaya na nilang makapag-treat ng waste water na 11, 500 cubic meter bawat araw sakaling ipagsama ang 5,000 meter cubic ng Manoc-Manoc at 6, 500 sa Bolabog bawat araw.

Humiling din ito ng pag-unawa sa mga tao sa Boracay dahil sa abalang dulot ng kanilang mga excavation.

Samantala, ikinagagalak ding ibalita ni Santos na naipataas nila ang water supply mula sa 14,500 cubic meters per day sa 19, 000 cubic meters per day sa Boracay.

No comments:

Post a Comment