Saturday, June 13, 2015

Tinatayang 50 kabahayan tinupok ng apoy sa C. Laserna Kalibo

Posted June 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinatayang limampung kabahayan ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog sa C. Laserna St. Kalibo Aklan kahapon ng hapon.

Base sa inisyal na embistigasyon ni Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Kalibo Inspector Donnie Torre, nagmula umano ang sunog sa faulty service drop wire ng isang bahay na pagmamay-ari ni Lorelie Sargisa.

Nabatid na aabot umano sa isang daang pamilya ang apektado ng nasabing sunog kung saan dinala ang mga ito sa inilaang evacuation center sa Aklan Trade Hall at Magsaysay Park.

Maliban sa Kalibo tumulong naman ang mga firefighters mula sa Altavas, Numancia, Balete at New Washington at ilang volunteer groups na nagsagawa ng mopping-up operations sa nasabing area kung saan naaapula naman ang sunog bandang ala-5:20 ng hapon.

Kaugnay nito wala namang naiulat na casualties sa nasabing sunog ngunit ilang residente ang nagtamo ng injuries dahil sa pinilit ng mga ito na maisalba ang kanilang mga gamit.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang embistigasyon ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Kalibo kung saan tinataya namang umabot sa P2-milyon ang pinsala sa nasabing sunog.

No comments:

Post a Comment