Posted June 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na umano otorisado ngayon na mag-isyu ng Police
Clearance ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos ang mahigit
pitong taong serbisyo nito sa mga taga Boracay.
Ito ang sinabi ni Boracay PNP Chief P/SInsp.Frensy
Andrade, matapos umanong malaman ng kanilang higher headquarters na nag-iisyu
sila ng Police clearance.
Aniya, gusto naman nilang makatulong sa lahat ng mga
mangagawa at residente ng Boracay ngunit wala umano silang magagawa sa
ipinalabas na mandato ng kanilang higher officials dahil sila umano ay isang tourist
police at hindi municipal police.
Samantala, inaayos na umano ngayon ng kanilang
headquarters ang usaping ito kung saan inaasahan din nila na sa mga susunod na
araw ay mabibigyan sila ng authority na makapag-release ng Police Clearance.
Maliban dito umaasa naman si Andrade na makakapaglagay
ang Malay PNP Station ng detachment area sa Boracay upang hindi na mahirapan
ang mga kukuha ng nasabing clearance na tumawid ng mainland Malay.
Kaugnay nito pinaalalahanan naman ni Andrade ang lahat ng
mga hindi pa nakakaalam na ang Police clearance ay sa Malay PNP Station na
kukunin simula pa nitong buwan ng Mayo.
Nabatid na karamihan sa mga kumukuha ng Police Clearance
ay mula sa isla ng Boracay dahil ito ay isa sa mga importanteng requirements sa
kanilang pinapasukang trabaho.
No comments:
Post a Comment