Friday, June 12, 2015

BFI, dumistansya sa usapin kaugnay ng inaalmahang construction sa Puka Beach area

Posted June 12, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for constructionDumistansya ngayon sa usapin kaugnay ng inaalmahang construction sa Puka Beach area ang BFI o Boracay Foundation Inc.

Subali’t nabatid na ilan sa mga miyembro nito ang nagpahayag ng kanilang personal na paninindigan at pagsuporta sa panawagan ng grupong Friends of Flying Foxes.

Ito ang grupong naglunsad ng online petition bilang panawagang ipaglaban ang natitirang gubat sa Barangay Yapak.

Samantala, napag-alamang nagpulong na rin ang mga taga DENR at BRTF o Boracay Redevelopment Task Force kaugnay sa usapin habang patuloy namang binabayo sa social media ang itinatayong proyektong Ocean Park ng Seven Seas Developer.

Base sa impormasyon, itatayo doon ang pinakamalaki umanong underwater hotel resort rooms, na ikinabahala naman ng publiko na patuloy na nagtatanong kung papaano ito nabigyan ng permit.

No comments:

Post a Comment