Tuesday, June 09, 2015

BICOO Glenn Sacapaño, tiwala sa kakayahan ng Boracay Action Group

Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Boracay Philippines Cruise Port
Mahigit dalawang linggo nang nakalipas matapos idaos sa isla ng Boracay ang APEC o Asia Pacific Economic Ministerial meeting.

Subali’t muling sinariwa ng mga miyembro ng BAG o Boracay Action Group ang matagumpay na seguridad na kanilang inilaan para sa mga APEC Delegates.


Sa ginanap na Inter-agency flag raising ceremony sa station 2 Boracay, ibinahagi ng ilang lider ng grupo doon ang kanilang tiwala sa kakayahan ng BAG.

Ayon kay Boracay Island Chief Operations Officer Glenn Sacapaño, mistula umanong nagduda ang mga APEC Organizers sa kakayahan ng Boracay na maghost sa nasabing aktibidad.

Subali’t pinuri at kampante nitong sinabi na naging matagumpay ang lahat dahil narin sa pagtutulungan ng lahat lalo na ng mga miyembro ng BAG.

Samantala, kampante rin si Sacapaño na makakayanan ng Boracay ang anumang problema sa isla dahil sa pagtutulungan ng lahat.

Magugunita namang itinatag ang Boracacy Action Group noong panahon ni dating Boracay PNP Chief-PSupt.Samuel Nacion upang magkaisa ang lahat ng ahensya at law enforcers para sa ikabubuti ng isla.

Ilan lamang sa mga matatag na miyembro ng BAG ang Boracay PNP, Philippine Army Boracay Task Group, Philippine Coast Guards, force multipliers at ilan pang volunteer group.

No comments:

Post a Comment