Saturday, June 13, 2015

Board Meeting ng AKELCO nakatakdang isagawa sa Boracay ngayong Hunyo

Posted June 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for akelco general meetingNakatakdang makipagkita si AKELCO OIC General Manager Pedro Nalangan sa lahat ng Board of Directors at Department Officers ng nasabing kooperatiba sa Boracay.

Ito ay para sa kanilang isasagawang board meeting ngayong Hunyo 26 sa kanilang tanggapan sa isla para pag-usapan ang kanilang pamamalakad at serbisyo sa buong lalawigan ng Aklan.

Dahil dito sinabi naman Nalangan na maaaring dumalo sa kanilang meeting ang mga stakeholders at residente sa Boracay upang maipaabot sa kanila ang kanilang mga programa.

Maliban dito handa umano silang sagutin ang mga concern at mga katanungan ng mga taga Boracay pagdating sa kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay suplay ng kuryente.

Kaugnay nito nagsusuplay umano ang Aklan Electric Cooperative ng 48 megawatts sa kanilang nasasakupan kung saan halos napupunta umano sa Boracay ang 23 megawatts.

Samantala may paalala naman si Nalangan sa mga malalaking ipinapatayong establisyemento sa Boracay na gagamit ng malalaking load ng kuryente na kung maaari ay lumapit umano ang mga ito sa kanilang tanggapan dahil tila alanganin umano silang makapagbigay ng malaking suplay ng kuryente.

No comments:

Post a Comment