Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalia YES FM Boracay
Photo from philippinesbeach.blogspot.com |
Nanganganib na masira dahil sa mga bangka ang mga sea grass
sa back beach ng Boracay.
Ito ang kinumpirma ni Boracay Life Guard Commander at BFI
member Mike Labatiao kasabay ng regular na Boracay Action Group flag raising
ceremony kaninang umaga.
Ayon kay Labatiao, ang mga nasabing sea grass ang siyang
nag-a-absorb ng pulosyon sa dagat sa buong isla kung kaya’t dapat itong
pangalagaan.
Tinumbok pa ni Labatiao na ang mga bangka mismong dumadaong
sa Bolabog beach ang siyang sumisira sa mga damong ito, kung kaya’t kailangan
na umanong i-set back o iatras ang mga nasabing bangka.
Samantala, magugunitang ikinabahala din ng BFI o Boracay
Foundation Incorporated ang kalagayan ng mga korales sa isla na natatamaan o
nasisira ng mga bangkang lumalabag sa napagkasunduang set back.
Kasama naman sa pinag-usapan kanina sa pagpupulong ng BAG
ang mga paghahandang gagawin para sa back beach ng Boracay lalo na’t inaasahan
na ang pagpasok ng panahon ng Habagat.
No comments:
Post a Comment