Posted June 11, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Nakahinga na halos ang lahat sa mabigat na daloy ng
trapiko sa main road ng Central Boracay matapos ipatupad ang traffic
re-routing.
Subali’t tila naging negatibo pala ang epekto nito sa mga
biyaherong dumadaan sa Zone 5 Bloomfield area.
May mga pagkakataon kasi na nagkakagit-gitan ang mga
sasakyan doon sa intersection ng nasabing lugar lalo na kapag dumadaan ang mga
malalaking delivery truck.
Maliban dito, mistulang nagka-kanya-kanya na lamang ang
mga drayber lalo na’t wala rin kung minsan ang traffic enforcer sa lugar,
kungdi sa main road o entrada lamang ng Zone 5.
Samantala, gumagaan naman kung minsan ang daloy ng
trapiko dahil sa ilang miyembro ng ‘Kabayan’ na nagbubuluntaryong magbantay
doon sa gabi.
Kaugnay nito, sinubukan ng aming himpilan na kunan ng
pahayag ang MTRO o Malay Transportation Regulation Office, subali’t tumanggi
muna ang mga itong magsalita.
Magugunitang ipinatupad ng MTRO ang traffic re-routing
upang maging maaliwalas ang Boracay main road para sa APEC ministerial meeting
sa isla.
No comments:
Post a Comment