Thursday, June 11, 2015

Mayor Yap, pangungunahan ang Independence Day sa Malay bukas

Posted June 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Philippines independence day 2015Kasado na ang Lokal na Pamahalaan ng Malay sa gaganaping maikling programa para sa pagdiriwang ng Independence Day Celebration bukas, Hunyo 12.

Ayon kay Malay SB Secretary Concordia Alcantara, isang flag raising ceremony ang magaganap ngayong Biyernes kung saan dadaluhan umano ito ng lahat ng empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kasama na ang mga SB Officials.

Maliban dito nakatakda naman umanong magbigay ng kanyang mensahe si Malay Mayor John Yap para sa taunang selebrasyon.

Kaugnay nito bilang pakikiisa ng mga residente o mamamayan sa nasabing lugar ay nagsabit din sila ng mga watawat sa kanilang mga tahanan gayon din sa mga sasakyan at mga establisyemento.

Samantala, hinimok naman ng LGU Malay ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng mga Pilipino.

No comments:

Post a Comment