Tuesday, June 09, 2015

Ilang residente malapit sa back beach ng Zone 5 Balabag, iginiit ang drainage system sa kanilang lugar

Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for Boracay flood
File Photo
Drainage system.

Ito ang hiling ngayon ng mga residente malapit sa back beach ng Zone 5 Barangay Balabag matapos muling bahain nitong nakaraang araw.

Sa isinagawang ocular inspection ng himpilang ito kagabi sa lugar, nabatid na marami sa mga residente doon ang pinasok ng tubig-baha.

Ayon sa ilang residente na tumanggi nang magbigay ng recorded interview, ilang beses na silang nagpatambak sa kanilang lugar lamang hindi pasukin ng tubig-baha sa tuwing umuulan.

Isinisi naman ng mga residente sa lugar ang kawalan ng drainage system lalo pa’t halos kabi-kabilaan na rin ang mga gusali doon na may mga pader, kung kaya’t wala nang madaanan ang tubig.

Samantala, nabatid na inilapit na nila sa mga kinauukulan ang nasabing problema, subali’t wala parin umano itong aksyon.

Nabatid na hindi lamang sa nasabing lugar ang may problema tungkol sa drainage system kungdi maging sa ilang bahagi ng mainroad ng Central Boracay.

No comments:

Post a Comment