Posted June 10, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isa lamang ito sa mga sigaw ng mga residente at mga Netizens
sa isla na patuloy na kumakalampag sa natatanging tourist destination sa buong
mundo.
Bunsod ito ng nagpapatuloy na construction sa Puka Beach
area sa Barangay Yapak na labis na tinututulan ng mga nagmamalasakit sa isla ng
Boracay.
Kaugnay nito, sinubukan ng himpilang ito na kunan ng
pahayag ang iba’t-ibang personalidad at organisasyon tungkol sa usapin.
Nabatid na ‘hands off’ dito ang BFI o Boracay Foundation
Inc., bagama’t ilan sa mga kasapi nito ang personal na nagpahayag ng pagtutol
sa itinatayong Oceanpark o Seven Seas Resorts sa Barangay Yapak.
Napag-alaman din na patuloy na nangangalap ng suporta sa
pamamagitan ng online petition ang grupong Friends of Flying Foxes upang ihinto
ang sinasabing pagsira sa isla.
Samantala, aminado naman si SB Member Rowen Aguirre na
pinuputakte na ngayon ng batikos sa social media ang DENR, LGU Malay at mismong
si Malay Mayor John Yap tungkol sa usapin.
Magugunitang iginiit ni Aguirre sa Malay SB session
nitong nakaraang taon na ipagbawal na ang pagkakaroon ng basement sa mga resort
o establisemyeto dahil sa mabilis na paglabas ng tubig kahit ilang talampakan
pa lamang ang hukay.
Base naman sa impormasyon, nakakaalarma ang ginagawang
paghuhukay sa Puka Beach Area bagay na inalmahan ng mga concerned citezens.
No comments:
Post a Comment