Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Usap-usapan ngayon at patuloy na kumakalat sa mga social
networking site katulad ng Facebook ang #AbolishBoracayBuildingPermitNow.
Ito ang panawagan ng ilang nitizens kay DENR Sec. Ramon
Paje, Aklan Government, LGU Malay, Department of Tourism at kay mismong Pangulong
NoyNoy Aquino.
Hiling nila na ma-protektahan ang natitirang forest land ng
Boracay kung saan ikinumpara rito ang Mapa noong 2003 na halos kulay birde pa
ang makikita sa isla at nitong 2014 na halos puro building na ang masisilayan sa
Boracay.
Karamihan naman sa mga nitizens ang pumabor na dapat na
umanong e-demolish ang pagbibigay ng permit sa pagpapatayo ng anumang instraktura
sa Boracay.
Maliban dito kumakalat din ngayon ang ilang mga larawan
ng mga itinatayong malalaking building sa Boracay kung saan makikita ang mga
pinutol na mga punong kahoy at pagwasak ng mga bundok.
Samantala maliban sa #AbolishBoracayBuildingPermitNow
trending din ngayon ang #saveboracay at #weloveboracay na nagpapabot ng
pagkabahala sa kalagayan ng itinuturing na pinakasikat na isla sa buong mudo.
No comments:
Post a Comment