Tuesday, June 09, 2015

Lalaki, sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo

Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang lalaki ang sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Station 3 Manoc-manoc Boracay.

Base sa report ng Boracay PNP, kaagad dinala sa pagamutan ang biktimang si Rodel Galan dahil sa tinamo nitong sugat sa tiyan.

Nabasag kasi ang dalawang bote ng beer na dala nito at tumama sa kanyang katawan matapos sumemplang ang motorsiklo niyang sinasakyan.

Napag-alamang nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang hindi na nakilalang driver ng motorsiklo dahilan upang mangyari ang insidente.

Samantala, sinasabing plate number na lang ng sinakyang motorsiklo ang naalala at naibigay na impormasyon ng biktima sa mga pulis tungkol sa nasabing drayber.   

No comments:

Post a Comment